 Pamie . 21 . 416 area . Mahiyain . Moody . Love na Love niya si rY . Day dreamer . Loud . Mataray according to my Bie . Blunt . Boring kausap at kasama (Si Bie ko lang ang hindi nabo-bored sa akin). Emotional (iyakin ba) . Bum . Malapit ng maloka sa kakaisip . Insomniac . Makulit . Madrama . Maliit na tao . Snobera .
. . . . . . x 0 x 0 . . . . . .
Song Playing:
Let Me Be The One by Jimmy Bondoc
|
|
|
 |
|
Saturday, October 16, 2004
Posted at 06:52 pm by mz.pam
Permalink
Monday, August 02, 2004
* Nag-away kami ng nanay ko...
* oo, nag-away kami ng nanay ko. Hindi naman talaga yung may kasamang sabunutan pero nagkasagutan lang naman kami. Lagi na lang kasi akong nakikita niya, kesyo wala daw akong ginagawa dito sa bahay, ang tamad-tamad ko daw. Kasi ganito yun, nag-umpisa sa karne, oo sa karne na pinapahiwa niya sa amin ng ate ko. Eh sa ayaw ko talagang naghihiwa ng karne dahil mabaho, kumakapit sa kamay ko at saka wala ako sa mood maghiwa ng karne. So ayon, si ate ko ang naghiwa at ang hiniwa ko naman yung bawang at sibuyas. Tapos yun, gutom na gutom kasi ako kaya inuna ko munang kumain hindi kasi nag dinner kagabi kaya shempre nagutom ako, nagluto na rin ako ng lumpiang shanghai kasi pinapaluto. Tapos malapit na yung ate ko sa paghihiwa pinalalagay ng nanay ko yung karne sa kaserola eh ayaw ko ngang hawakan yung karne kaya sabi ko ate pakilagay naman naman yung karne dito oh, nagalit ang bruha kesyo blah blah blah sha na nga lang daw yung naghiwa sha pa raw maglalagay, pinapalagay ko lang naman sa isang plato dahi nga sa ayaw kong humawak ng karne, maarte na kung maarte. Tapos yun, inurungan ko dapat urungan, tapos na akong magsabon ng mga plato eh binato ko yung sponge sa lalagyanan, nakita ng nanay ko, sabi niya Umalis ka na nga jan kung magdadabog ka lang, sabi ko naman, Nagdadabog ba ako? Hindi naman ah, kung nagdadabog ako may tunog, gets niyo? Yon, doon nagsimula. Nagsagutan na kami, tapos sinabi pa niya Lumayas ka na nga rito, blah blah blah...madami shang sinabi at ang masakit pa dinamay pa niya si rY, doon na ako nagalit, hindi ko napigil sarili ko. Namura ko tuloy sha, alam ko di tama yung ginawa ko pero ayaw na ayaw ko yun lagi niyang dinadamay si rY kapag nagkakagalit kami. Wala namang ginagawa si rY sa kanila. Pumanik na lang ako sa kwarto at shempre umiyak na naman ako, galit na galit talaga ako kanina, kung anu-ano na ngang pumapasok sa utak ko kanina eh...Tinulog ko na lang tapos mga bandang alas-tres tumawag si rY, usap kami mga 30 mins. As usual naglasing na naman sha kagabi, ewan ko kung nasan sha kagabi wala naman na shang kinikwento. Bahala sha, parang gusto ko na ngang makipag-break na lang sa kanya eh, para kasing di na niya ako kailangan, ni hindi na sha nagsasabi sa akin ng problema niya.
* Tumawag nga sha, eh nung sinagot ko, hindi ako nag hello. Tahimik lang ako nung una, tapos sabi niya, gusto mo bang ibaba na lang yung phone?kasi parang wala kang ganang kausapin ako / or parang ayaw mo na akong kausapin...tapos sabi ko, My God, gustung-gusto kitang kausapin pero wala ka ng time para sa akin (umiiyak ako habang sinabi ko yan) , ayon...usap kami...sinabi ko nag-away kami ni mama...blah blah blah blah blah...sabi niya nalasing ako kagabi, sabi ko naman, lagi ka naman naglalasing eh so kelan ka ulit maglalasing sabi ko? sabi niya di ko alam...tapos tanong ko kung aalis ka ba mamaya? sabi niya di ko rin alam baka mag stay na lang ako dito...ewan ewan ewan...6 mos. na kami pero pucha parang walang nangyayaring maganda sa relasyon namin...
* To RON and MEANN , thank you sa mga advice niyo...:o)
Ayun na nga eh, alam niyang mahal na mahal ko sha kaya siguro malakas ang loob niya na di sha nagwo-worry na mawawala ako sa tabi niya. Siguro nga iniisip niya na di ko sha kayang iwan. Na kahit anong gawin niyang pambabalewala eh nanjan pa rin ako sa tabi niya. Kaya ko shang iwan kaya lang parang ako rin ang mahihirapan kapag ginawa ko yun, kahit na 6 mos. palang kami para kasing ang hirap kalimutan yung mga pinagsamahan namin, kanina nga pinag-iisipan ko kung ano kaya kung tapusin ko na lang yung relasyon namin? Kasi feeling ko parang wala na akong boyfriend eh bihira na lang kami mag-usap, etc.etc. bihira na ngang magkita bihira pang mag-usap eh ano na lang mangyayari sa amin? Ewan ko ewan ko na...Ang problema kasi sa akin, mashado akong iyakin, hindi ako iyakin talaga pero simula nung naging kami, naging iyakin na ako, ilang beses na niya akong nakitang umiyak siguro nagsawa na sha sa kakaiyak ko kaya wala ng epekto sa kanya. Sabi niya sa akin wag na akong iiyak, eh pucha sha lang naman ang dahilan kaya ako laging umiiyak.
* Shanga pala, lumipat na ako sa BLOGSPOT, sawa na kasi ako dito sa blogdrive, kaya yon...
pam208ry.blogspot.com
Posted at 04:44 pm by mz.pam
Permalink
Sunday, August 01, 2004
* Eto na naman ako, magkwe-kwento tungkol sa aking luvlife, eh kasi naman yun lang talaga ang gusto kong ikwento eh. Tumwag sha kaninang umaga siguro mga 10 am, twice shang tumawag pero di ko sinagot kasi naiinis ako sa kanya, paano ba naman kasi lagi na lang sha tatawag sa UMAGA, hindi na sa GABI. So ayon, nag-iwan sha ng message ang sabi niya, "bakit di ko raw pick up yung phone ko, kahapon pa raw"...sha pala yung tumatawag sa akin kahapon pero di ko nga nasagot. Nag call back ako, tanong niya kung bakit di ko raw sinasagot tawag niya, sabi ko Wala lang. Tinititigan ko lang yung phone ko na mag ring ng mag ring kasi nami-miss ko na yung may tumatawag sa akin, gets niyo ba? Sabi ko pa nga kung may digi cam lang ako pipicturan ko yung phone ko habang tinatawagan mo ako eh. Iniisip naman niya na may kinakausap akong iba, hay naku sa totoo lang wala naman talaga, ang lungkot lungkot na nga ng phone ko eh dahil sha lang naman talaga ang madalas na tumawag sa akin.
* Nagpunta pala sila ng kaibigan niya sa Pampanguena sa may Bathurst at 4 am na shang nakauwi. Bwisit na yan, lagi na lang ganyan sha, lagi na lang pagod sa kaka good time. HIndi na lang ako kumibo nung sinabi niyang pumunta sila don. Hindi pa ako nakakapunta kasi doon sa Pampanguena, I heard na marami daw tumatambay na Pinay don saka Pinoy na rin. Tanong ko nga sa kanya kung paano pumunta don, curious lang kasi ako kung anong meron sa place na yan. Tapos sabi niya, "bakit pupunta ka don? At anong gagawin mo don? Tatambay ka? Maraming titingin sa iyo don, dahil maganda ka naman, tiyak na maraming lalapit sa iyo" parang ganyan ang pagkakasabi niya.
Tapos ngayon, aalis na naman sha pupunta sa Mississauga , pupunta sa party ng friend niya ewan ko kung sino yon. As usual hindi na naman sha makakatwag ngayong gabi. Ewan ko ba parang may kinakausap na shang iba kaya hindi na sha nakakatawag sa akin sa gabi. Tinanong ko nga sha kung may kinakausap na shang iba or may nagugustuhan, sabi naman niya WALA. Gusto kong paniwalaan pero ewan ko...may tiwala ako sa kanya malaki pero di ko lang maiwasan ang mag-isip ng ganon. Sha pala unang nagtanong kung may kinakausap na ba akong iba, eh shempre sinabi ko wala eh totoo naman na wala talaga eh. Kasi nga itong lintek kong phone nagloko na naman kanina, hindi niya ako marinig, kesyo mahina daw, kaya ayon nagduda sha na may kinakausap akong iba. Mejo matagal din kaming nag-usap...
* Di ba nga tinanong ko kung may kinakausap na shang iba, alam niyong sinagot niya? "Bakit gusto mo bang maghanap ako ng iba?" tapos sabi ko naman, "Ano ako tanga? parang sinabi ko na rin na palitan mo na ako, alam mo naman na ayaw ko eh." Hay ewan ko...tapos sabi pa niya "Naiisip nga kita eh" parang ganyan ang pagkakasabi niya, tapos sabi ko naman "Oh, talaga lang ha, di ko alam na naiisip mo pala ako" , tapos nagalit ba naman...hayyy, tanong ko nga rin sa kanya kung kailangan niya ng space eh, ayun nagalit din sa sinabi ko, eh paano ba naman kasi eh mashadong busy sha baka lang kako gusto niya muna ng space para bawas ako sa iniisip niya, ah ewan...bwisiet.
* sana lang hindi na sha lumabas ngayong gabi.
Posted at 05:43 pm by mz.pam
Permalink
Saturday, July 31, 2004
* di ako makaisip ng title...:oD
* Hindi matutuloy yung picnic naming sa Ocho...baka sa Aug. 22 na lang daw... owkei nga sana kung sa Aug. 8 eh kasi monthsary namin ni rY yun, hindi ko alam kung makakalabas ako sa araw na yon, siguro hindi.
* Hindi na naman kami nagkausap ni rY kagabi, napapadalas na itong di namin pag-uusap kahit sa phone man lang. Tumawag sha kaninang umaga pero katulad ng dati sandali lang kami nag-usap, hindi ko nga sana sasagutin dahil sobrang ng tampo ko sa kanya, kahit sa phone wala na shang time sa akin, I know he's been busy pero wala akong magagawa kundi maghintay na lang kung kelan sha hindi na busy, sino nga ba naman ako para magreklamo na "hoy, tawagan o mag-usap naman tayo kahit sa phone lang" baka sabihin niyang sinasakal ko sha. Sinabi niya sa akin na baka umalis sha, pumunta sa Lola niya sa Mississauga, hindi ko alam kung natuloy shang pumunta, kasi hindi na sha tumawag ulit. Meron akong na-missed calls siguro sha na yon, hindi naman nag-iwan ng message. Hindi ko nga alam kung tatawag sha ngayong gabi eh, nasanay na rin akong hindi sha tumatawag na sa akin parati, kaya iniiwan ko na lang phone ko sa isang tabi hindi katulad noon na kahit saan ako magpunta , sa washroom sa living room dala-dala kong phone ko, ngayon hindi na.
* Nung Friday morning nga pala, tumawag sha sa akin. Ang sweet-sweet pa niya...sabi niya sorry bie kung naging busy ako, sabi ko naman Ok lang...sabi niya Ok ka lang jan pero hindi naman...tapos yun, sandali lang din kami nag-usap. Pero kahit sandali lang sumaya naman ang araw ko kahapon kasi sa sobrang sweet niya sa akin nawala ng tampo ko sa kanya sandali.
* Sana tumawag sha ngayon gabi...pero kahit na tumawag sha, hindi ko sasagutin kasi alam ko namang sandali lang kaming mag-uusap, gusto ko kasi mejo matagal naman ng unti, pero siguro hindi na yun tatawag...lalaki nga naman sa umpisa lang mababait :o( .
* Pumunta nga pala dito yung friend namin ni ate, pinakita kong mga pics namin nung lumabas kaming Gamitan Kru. Tapos pinakita ko na rin pics namin ng Bebie ko :o) ... hayyy, kung pwede ko lang ilagay sa photo frame pic namin eh ilalagay ko kaya lang hindi pwede kasi baka punitin ng parents ko eh sayang naman.
Posted at 09:47 pm by mz.pam
Permalink
Thursday, July 29, 2004
* di pa sha tumatawag :o(
* Hanggang ngayon di pa rin sha tumatawag :o( . Ilang gabi ng di kami nagkakausap sa phone, at natatakot ako sa hindi namin pag-uusap mawala na lang mga feelings namin sa isa't isa. Siguro...pagod lang sha kaya di na sha makakatawag pero ...
Tumawag sha kaninang umaga, usap kami sandali lang...nagpaalam kami sa isa't isa na lalabas, gusto niyang magkita kami tomorrow pero di ko naman alam kung makakalabas ako :o( ... sana tumawag sha ngayong gabi pero almost 12 na, kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip ko na masama :o( ...
* Nakuha ko na pala yung mga pics namin :o) , hayyy, post ko sila dito kapag na-i scan ko :o) ...
* Me ann graveh sish sipag mong dumaan dito sa blog ko, :oD , musta na nga pala? musta na kayo ni fafa? hihihi..
* Love You babie ko, lapit ng monthsary natin ulit...sana magkasama tayo :o( sana matuloy picnic picnikan ... sana...
Posted at 11:51 pm by mz.pam
Permalink
|
|
|